Thursday, November 27, 2008

Walking is good for the heart

"Maglalakad lang ba ulit tayo?" Tanong ko sa 'yo nung pauwi na tayo galing class.

"Oo naman,"

Naglalakad ka na bago ka magbigay ng sagot, kasunod ang walang kamatayan mong linya,

"Walking is good for the heart."

Nagreklamo ako, "Nakakatamad!" Pero sumunod din naman ako sa paglakad mo.

"Alam mo, mas masaya maglakad."

"Sabi mo e."

"Hindi nga!" Ang tawa mo, "Una--"

Unahan na kita, "Walking is good for the heart?"

"O, yon."

"Ano pa?"

"Marami kang nakikita."

"At walang nakikita sa jeep?"

"Meron. Pero mabilis! Maraming bagay na hindi mo mapapansin."

"Halimbawa?"

"Halimbawa..."

Tumingin ka sa paligid, sabay pulot ng isang tuyong dahon,

"Dahon."

Inabot mo sakin ang dahon, tinanggap ko at tinapat ko sa mga mata mo,

"Dahon?"

"Dahon,"

Tumango ka na parang napaka-obvious ng point mo,

"Ang ganda diba?"

Tiningnan ko ang dahon,

"Hinde."

"Ang KJ nito. Maganda siya, in its own way."

"ANG GANDAAAAAAAAAAAAH!!!"

"Exag."

"Ang ganda!"

"Ayaaaaaaaaan..."

"O, dahon. Maganda. Tapos?"

"Walang dahon sa jeep."

"Meron!"

"Pupulot ka ba ng dahon sa jeep?"

"Hinde. Eh Ikaw lang naman ang kilala kong namumulot ng dahon e."

"Kaya nga."

"Ang labo mo."

"Malalaman mo bang namumulot ako ng dahon kung hindi tayo naglakad?"

"Hinde."

"Malalaman ko bang tumatanggap ka ng mga pinulot na dahon kung hindi tayo naglakad?"

"Hindi ren."

"Malalaman mo bang tumatanggap ka ng mga pinulot na dahon kung hindi tayo naglakad?"

"Lalong hinde."

"Kita mo na? Kaya mas masaya maglakad."

"Para makapamulot ng dahon?"

"Oo," Tumawa ka ng bahagya sabay ngiti sa'kin.

Bahay ko na, "Dito na 'ko."

"Next meeting ulit?"

"Mamumulot tayo ng dahon?"

"Hanggang sa makagawa tayo ng foliage."

Pinanood kita maglakad palayo saka tiningnan ang dahon na hawak ko pa rin hanggang doon.

Walking is good for the heart.

No comments: