Thursday, October 7, 2010

Huminto ang mundo.. natunaw ako

Nakaupo sa harapan ng computer, Nakita ko ang sarili kong nakikinig ng kantang hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa kukote ko.

"We had the right love at the wrong time"

Somewhere down the road ni nina ang pumupuno sa aking mga tainga ng maisip ko siguro nga katulad lang din ng taong gumawa ng kantang to ang love story ko.

"Those dreams of yours are shining on distant shores and if they're calling you away, I have no right to make you stay."

Wala akong karapatan kasi ako ang tumulak sa'yo palayo, kaya ngayon ang tingin mo sa akin ay isang malaking sinungaling at manloloko.

Hindi ko ginusto ang nangyari. Hindi ko din ginusto na itago ang lahat.

Makapal ang mukha ko kapag sinabi kong isa din akong BIKTIMA. BIKTIMA DIN AKO NG SITWASYON.

Ironic diba? Hindi ako naniniwala sa "NO CHOICE" pero mukhang kakainin ko ang salita ko. Wala akong magawa. WALA.. Nakatali ako sa isang bagay na kumukulong sa akin at pumipigil maging masaya.

Gusto kong humingi ng tawad sa'yo, sa panloloko ko, sa pagsisinungaling ko, sa lahat.

Gusto ko lang malaman mo na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, ikaw nagbigay ng saya sa akin, ikaw ang tanging babaeng nakarelasyon ko na nagpakita ng pagmamalasakit. Ikaw na lang ang natitirang dahilan ko para mabuhay. Pero ngayon wala ka na.

Naalala mo ba noong panahong kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang sakit ko? For the first time sa buhay ko, noon lang ako nakaramdam ng ganoong takot. Natakot ako hindi dahil baka mamatay ako, natakot ako na baka maiwan kita. Natakot ako na ang tanging nagpapasaya sa akin ay maging malungkot. Natakot akong mawala sa buhay mo. Pero ikaw ang nawala sa buhay ko.

"Sometimes good-byes are not forever"

Hindi ako naniniwala sa salitang forever pero ikaw ang taong nagturo sa aking maniwala sa salitang yun. Tinuro mo sa akin na may mga bagay na hindi abot ng logic ng isang tao, tinuro mo sa akin na hindi lahat ng bagay abot ng pagiisip mo. Siguro nga dapat lang akong maniwala dahil ngayon, yang mga linyang yan ang gusto kong paniwalaan at panghawakan.

"Letting go is just another way to say I'll always love you so"

Totoo nga ang sabi ng mga matatanda na ang hindi mo makikita ang halaga ng isang tao hangga't hindi siya nawawala sa'yo. Pero dapat ba akong maglet go sa isang bagay na mahal ko? Dapat ba akong maglet go sa isang taong gusto kong bumalik sa buhay ko?

"Somewhere down the road our roads are gonna cross again it doesn't really matter when but somewhere down the road I know that heart of yours will come to see
that you belong with me."

Hindi ako perpektong tao, may mga pagkukulang ako. Hindi ako santo. Sana sa muling pagkikita natin, Im much more of a better person, Im much more matured and Im much more braver na ipaglaban ang bagay na mahal ko.

I wont say goodbye to you Mary Rose
What more correct is See you soon Miel, our kids are waiting for us.

Iuberloveyoumielko.







No comments: