Ako nga pala si RJ
hayaan nyong ikwento ko sa inyo ang love story ko
nagsimula ang lahat ng makita ko siya sa computer shop na tinatambayan namin
kapatid ng barkada ko
masungit, suplada, isnabera
siya si mary rose
ang babaeng hindi ko akalaing mamahalin ko ng ganito
naging close kami ng maging text mate kami
then eventually nagkagustuhan
smooth sailing ang relasyon
ng malaman nya ang lihim ko
hindi ko naman sinasadyang itago sa kanya yun
pero wala akong magawa
nalaman nyang may iba akong girlfriend
ooooppsss teka alam ko na sasabihin nyo
manloloko ako at sinungaling
hindi na ako mageexplain
dahil kahit anong mangyari
at kahit anong sabihin ko sinungaling pa din
at manloloko ang labas ko
pero hindi ko tinatago yun
tatanggapin ko lahat ng sinasabi nila
dahil alam kong mali ako
umalis siya papuntang probinsya
para magbakasyon
lahat ng kaibigan nya
pinayuhan na siyang iwan ako
hindi ko naman sila masisisi
kasi alam kong mali ako
pero gusto ko lang malaman niya
na isipin na niyang lahat ng sinabi at nangyari ay kasinungalingan
pero sana maniwala siya kapag sinabi kong
MAHAL KITA
dahil sa lahat ng sinabi ko
yun ang pinakatotoo
mahal kita..
mahal na mahal
Monday, October 11, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment