Wednesday, September 25, 2013

Metamorposis ng isang relasyon

"Everything has to come to an end" yan ang sabi nila. Kailan mo nga ba masasabing tapos na ang isang relasyon (let's make it clear na ang tinutukoy ko ay bf/gf relationship)?
Kapag nagbreak? Kapag hindi na nagkikita? Ang hirap palang simulan ang isang artikulong tungkol sa katapusan. Sabi nila 2 bagay lang ang patutunguhan ng isang relasyon kasal o break-up, either way kailangan mong mamili. Pero paano nga ba humahantong ang isang relasyon sa "FINAL STAGE"? Daming tanong sa isipan ko, hindi ko alam paano sasagutin. Siguro masasagot ko lang bakit natapos ang aming relasyon kung babalikan ko ang simula.

*Time Travel*

STAGE 1: Anong pangalan mo?

Siya at ako ay totally strangers sa simula. Kapatid siya ng barkada ko pero hindi ko siya kilala. Bagong uwi lang daw siya galing probinsya sabi ng barkada ko kaya hindi ko pa siya nakikita. Natatandaan ko pa nung una ko siyang nakilala, Naglalaro ako ng DOTA ng pumasok siya sa computer shop at since malapit ako sa pinto eh napatingin agad ako sa kanya.

"Xet! ang ganda nun oh!"

sabay kalabit sa katabi kong barkada ko at turo sa kanya.

"Gago! di talo yan, kapatid yan ni Miko"
"Di nga?!"
"Oo, gago! tanungin mo pa siya"
"Wala naman akong sinabi ah, tsaka nagandahan lang ako sa kanya!" sabay isip, "sayang!"

I tried to ignore her (since kapatid nga siya ng barkada ko). Nalaman ko na crush pala siya ng bantay ng computer shop. So ang kuya mo nag raise ng white flag. talo na bago pa magsimula. (yun ang akala ko).

STAGE 2: First Interaction

Unang paguusap namin ay isa sa mga nakakatawang pangyayari sa kwentong ito.

Umaga, Pagkagising ko pinagtripan ako ng mga gangster sa kanto namin, gulpihan, ang ending napunta ako sa presinto. menor de edad pala yung ginulpi ko.

Sira na ang umaga ko, nakulong pa ako. BADTRIP

kinagabihan naglalaro ako sa PC13, dumating siya. narinig ko siyang tinanong yung bantay kung anong oras ang time ko.

"hanggang madaling araw na yan jan" sabi ni apro.
"ay, nagpareserve ako sa'yo ah"sabi nya.
"oo nga, kaso nauna siya eh"
"palipatin mo na lang"
"gusto mo bang gulpihin ako nyan?"

tiningnan ko sila sabay ngiti, "bukas ka pa makakapaglaro kung hihintayin mo ko" sabay tawa.

nagpaparinig siya sa likod ko. sabi ni apro siya daw kumausap sa akin. sa sobrang kulit nya tumayo na lang ako. "apro naranasan ko na din kulitin ng babaeng yan" sabay tayo sa PC. hindi ko na lang sinabing "pasalamat ka, crush kita."
sinilip ko ang facebook nya sabay pagalis nya, inadd ko siya. at take note pinatagay ko siya noong birthday ko.

it's pathetic to see what a guy can do just for the right girl, but it paid off. dahil sa facebook (at sa pasimple kong pangugulit) nakuha ko ang number nya.
paano?

eto ang eksaktong paguusap namin sa facebook nya

Marose Chiva August 8, 2010 at 9:14pm
punta daw keu ni jc d2 s pwesto sabi ni miko... ukie2? muy bien?

Richardson Yu Jacinto August 8, 2010 at 9:22pm
dito ako bahay eh :) wahhaa

Marose Chiva August 8, 2010 at 10:47pm
ukie...

Richardson Yu Jacinto August 8, 2010 at 10:49pm
d p din ba pwede pmuntang shop si miko?

Marose Chiva August 8, 2010 at 10:51pm
bantay sya til 12... relyebo kami kasi di pumasok ung tindera namin...

Richardson Yu Jacinto August 9, 2010 at 2:43am
ahh, ganun ba ruffa :) ^^

Marose Chiva August 9, 2010 at 3:47am
Adik.

Richardson Yu Jacinto August 9, 2010 at 3:53am
wahaha ako nnmn adik empfefe ;) ^^

Richardson Yu Jacinto August 9, 2010 at 3:53am
bakit di ka pa tulog? lalake eyebags mo nyan :)

Marose Chiva August 9, 2010 at 3:55am
malaki na talaga.. ahaaaiist.. ge lang, para maii mapaggmitan yung concealer namen...

Richardson Yu Jacinto August 9, 2010 at 3:55am
wahaha ^^ woo tologo long ha :)) ano nakapagGM ka na? sabi ko sau damay mo ko sa GM mo :))

Marose Chiva August 9, 2010 at 3:59am
ha?... tinamad ako kagabi eh... tska, ka-gt ba kita? :))

Richardson Yu Jacinto August 9, 2010 at 3:59am
wahaha di ko nga alam nunmber mo eh :)

Richardson Yu Jacinto August 9, 2010 at 4:00am
wahaha di ko nga alma kung ano number mo eh ;) im very sure wala ka ding number ko :) paano mo ko sasama sa GM :))=)) IMba

Marose Chiva August 9, 2010 at 4:11am
Exactly my point, gusto mo isama kita sa gm ko pero di mo binigay no. mo... oh diba ang galing?... hehehehe, muy bien!

Richardson Yu Jacinto August 9, 2010 at 5:30pm
09166157027

Marose Chiva August 9, 2010 at 6:49pm
here's mine..09168214660...

BGM: PARA PARAAN ANG PAGKAKATAON

At xempre tinext ko agad siya, nung una ayaw nya magreply, pero siyempre kinulit ko siya

STAGE 3: Habulang Ligawan

Marami ang magsasabi at magaagree sa akin kung sasabihin kong eto ang pinakamasarap na STAGE ng isang relasyon.

Ang gusto ko lang noon is to know her more.

1. Tumambay sa facebook page nya - comment ako ng comment sa mga pictures nya (panay pangugulit) di ko pa siyempre pwedeng sabihing "Ang ganda mo".

2. Tanong ako ng tanong ng things about her kapag magkatext kami. (xempre!)

3. All i wanted to do is to hang out with her- i can still remember na may swimming ang barkada ko (yung kapatid nya) nung nalaman kong siya ang magluluto, kahit 4am pa ng umaga yun, nagvolunteer akong sasama ako sa pagluluto (kahit paghihiwa lang ang alam kong gawin) ang resulta, ang lalaki ng mga patatas at ang liliit daw ng mga karots, tagumpay ang AFRICHADO!.

4.Siya lang din ang gusto kong katext - ignore lahat ng mga katext ko, siya lang ang nirereplyan ko. hehehe wag kayong magagalit sa akin, inlab ang kuya mo eh :) umaabot kami hanggang umaga magkatext.

5. Siya din ang priority - wala akong pakialam kahit nasa CR ako or naliligo, may special tone siya  sa CP ko, para alam kong siya ang nagtetext, titigil ako sa ginagawa ko at rereplyan xa. (baka magalit di pa ako itext hehe)

6.at kapag nakikita ko siya may kung anik anik sa tyan ko , kinakabahan din pala ako hahahaha.

7. ininvite ko siya sa cooking lesson ng TESDA. nagenrol kasi yung kapatid nya, *LIGHTBULB on my head* invite ko para magkasama kami. ang reason ko, hindi kasi ako marunong magluto kaya dapat matuto ako (ang totoo gusto ko lang siyang makita araw-araw)

HIDDEN MESSAGE: PLEASE PUMAYAG KA PARA MAGKASAMA TAYO *cross fingers* tagumpay! pumayag!

Siya ang pinakaperpektong babae para sa akin.

Paano naging kami?

during the time na magkatext kami nasabi nya sa akin na ang mga crush nya gusto niyang maging bf
naamin ko na din sa kanyang crush ko xa at sana maging crush nya din ako
*sulpot, sobrang cheesy*

the day before maging "officially kami" nagtext xa

"crush na kita"
"so you mean?"
"remember what i told you about sa mga crushes ko?"
NGIIIITTTTTIII ang kuya mo!

Ang sarap ng feeling! ehehehe

sa mga simpleng salitang iyon, nagsimula ang aming relasyon which eventually leads us to STAGE 4

STAGE 4: Pulot-pukyutan

Dito na naging masaya ang lahat, pwede na namin ipakita ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. *wala ng holding hands tapos pag may nakakita bitaw wahaha*

Pwede na naming gawin lahat ng gusto naming gawin ng walang magtatanong bakit namin ginagawa yun.

ang sarap, ang babaeng mahal ko ay minahal na din ako.

Nameet ko ang iba pa nilang kapatid, Mas may reason ako para tumambay sa bahay nila. Lagi kaming magkasama and all. Sobrang saya. Sobrang sweet namin. Everything is magical.

Pero dumating ang panahong unti-unting nagiging normal ang lahat. Nasa Stage 5 na pala kami.

STAGE 5: Ikaw at ako: ang tunay na tayo.

Nakilala na namin ang isa't-isa,Kilalang kilala ko na siya. alam ko na mga trip nya, nawala yung sense of discovery and something new. Well normal lang naman daw yun sa couples, maganda nga daw yun. walang pakitang-tao, walang paimpress. kumportable kami sa isa't-isa. NAGING MASYADONG KUMPORTABLE. hindi namin na work-out ang mga hindi namin gusto. Lumala ang stage 5, mahirap man aminin, napunta kami sa stage 6.

STAGE 6: Pagputok ng lobo
Well sabi nga nya noon. feeling nya we're not growing as a couple. maxado na kaming kumportable. problems arises. yung iba ginagamit ang stage na to work on their relationships, di ko alam kung hindi na nataken for granted na ba namin ang isa't-isa, dumating na ata sa puntong hindi na namin kayang ayusin. Nagiiba na ang lahat.

STAGE 7: Pagsuko
Halos araw-araw may away, minsan di na namin alam bakit kami nagaaway. Nakakalimutan na niya yung mga nakaset na lakad namin and nalalate na din ako sa mga lakad. Kung dati lagi kaming magkasama, sa stage na to gusto na nya ding magkaroon ng oras sa sarili nya. As this arises, the distance grew. at sa paglaki ng distansya nagbabago ang mga tao. feelings are not the same anymore. We've tried to fix things. Naguusap ng mga dapat gawin. pero i think it's not enough, we ignored things that eventually piled up. Nagiba na ang lahat. May sumuko na.

STAGE 8: Ang Katapusan (wag sana)

Siya at ako ay dumating sa katapusan, sumuko na siya.WORST STAGE ever. hindi ko alam kung paano at bakit pero dumating kami dito. Ayaw ko sana umabot sa puntong ito pero yun ang gusto nya. I'll do anything just to make her happy. Even if it means me sacrificing. Kung ako ang tatanungin gusto ko pa sanang isalba ang aming relasyon, pero mukhang huli na ang lahat, Nakapagdesisyon na siya. Eto na yung stage na maghihiwalay kami ng landas, Landas na magbabalik sa amin kung saan kami nagsimula -- Estranghero sa isa't-isa.

STAGE 9: Pabalik sa nakaraan

Andito kami ngayon sa stage na ito, or should i say ako na lang. Marami ang pagbabago, sobrang dami na parang imposible na ang lahat para sa'yo. Love is short but forgetting takes so long. Isa ito sa pinakamahirap na stage. Babalik ba sa stage 1 or kakalimutan na ang lahat, yan ang masasagot mo sa stage na ito. Dito ka matututong umasa, Magmahal kahit nasasaktan at kung ano ano pang kala mo ay hindi mo kaya. The distance will grow. Eventually dito ka masasaktan ka ng sobra lalo't malalaman mong may iba na siya. At kahit subukan nyong kalimutan ang nakaraan at maging magkaibigan ulit, things will never be the same. Magkahiwalay na daan na ang tinatahak namin. Hindi ko alam kung kailan kami ulit magkikita.


Depende sa iyo kung lilimot ka o aasa pa. Kung lilimot ka, lahat ng pinagsamahan nyo ay ilagay mo na dapat sa anino ng nakaraan. Ako iniisip ko nga kung nangyari ba talaga ang lahat. At eto ako, kasama ang mga bagay na nakakapagpaalala sa akin na minsan ang isang estranghero ay naging pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Napapangiti na lang ako, minsan umiiyak. Pero hindi ko siya sinisisi at andito ako sa stage na ito. nirerespeto ko ang desisyon niya. Mahal nya ako, maybe hindi lang iyon sapat para hindi ako saktan.

Pero natatapos nga ba ang lahat sa paghihiwalay? Para sa akin hindi. Pwede mong gamitin ang space na ito para maisort nyo ang mga mali ng nakaraan. Naniniwala ako na kung para sa'yo ang isang tao, kahit gaano pa katagal kayo pinaghiwalay ng pagkakataon, gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para magkakilala ulit kayo, Balik sa stage 1, kapag tama na ang mali at pwede na ang hindi.


Gusto ko sanang sabihin sa'yo (Baka sakaling isa ka din sa mga nagbabasa ng blogs ko)
Kahit pinaglayo tayo ng tadhana at ikaw ay masaya na, Lagi mo sana maalalang kahit saglit sa buhay mo, may dumaang RJ na nakapagpasaya at nagmamahal PA DIN sa'yo. I'll always be thankful na nakilala kita, hindi ko pinagsisisihang minahal kita. Sana ikaw din.

I'll always be right here for you. Still hoping na sana magkaroon pa ulit ng chance na makabalik tayo sa Stage 1.
and lets leave it on stage 4 :D

No comments: