Masakit man sa aking isulat ang artikulong ito tungkol sa mga kasing katawan at mga kamaganak ko
(figuratively and literally, kung bakit literal? tingnan nyo na lang po ang family tree namin at maging ako ay nagulat na kasama si DIOSDADO MACAPAGAL doon, Jacinto na, Macapagal pa. isa talaga akong bayani)
pero wala na akong maisip na mas angkop na hayop para ilarawan ang aking "pinsan".
Maraming nagiging sakit ang hayop na baboy.
Inaasahang dadami pa ang mauusong sakit nila. Tanda n’yo pa kaya ang Foot-and-Mouth Disease? Eh ‘yung hindi pa nalulumang scare ng Ebola virus? Syempre, kilala natin ang Swine flu, at bagong flu strains gaya ng Influenza C at Influenza A (at virus subtypes na H1N1, H1N2, H3N1, H3N2, at H2N3).
Bukod sa pagiging inutil ng patabaing baboy ay ang katotohanang easy channel s’ya ng maraming sakit. Maraming risk ang pagkain ng hilaw at hindi-gaanong nalutong karne ng baboy. Ang pork ay binabahayan din ng maraming bulate gaya ng roundworm, pinworm, hookworm, atbp. Ganito ang isa sa mga paliwanag ni Rashid Shamsi sa kanyang artikulong Why Islam Forbids Pork? :
“Amongst all animal flesh, pork is the favoured cradle of harmful germs. Pork also serves as a carrier of diseases to mankind. It is for this reason that its flesh is not suitable for consumption.”
Bakit sa tingin mo sunod sunod ang problemang dala ng baboy? Kasaysayan ang isa sa mga makakasagot nito. Kasi naman, napaka-kulit ng tao. Sa una pa lang, marami nang pagbabawal ang ginawa. Ang ilan sa mga pagbabawal na ito ay ang mga sumusunod:
1. BAWAL SA KRISTYANO ANG BABOY
Kung ang Lumang Testamento ang ating pagbabatayan, ipinagbabawal na noon pa ang pagkain ng baboy. ‘Yan ang sabi sa ‘kin ng isang Sabadistang chickboy na kaklase ko noon (at sa kamalas-malasan eh baka maging bayaw ko pa).
Ang pagbabawal daw ng pagkain ng baboy ay nasusulat sa Leviticus 11:7-8 atDeuteronomy 14-8. Maraming variations ang passage na ito. Ang sabi sa World English Bible:
“The pig/sow/swine, because he has a split hoof, and is cloven-footed, but doesn’t chew the cud, he is unclean to you.”
"Sa tingin ko hindi naman biyak ang kuko ni Mike Arroyo".
2. BAWAL DIN SA MGA ISRAELI ANG PAGKAIN NG BABOY
Ganito ang sinasabi sa Jamieson-Fausset-Brown Bible Commentary:
“…the swine is a filthy, foul-feeding animal, and it lacks one of the natural provisions for purifying the system… indulgence in swine’s flesh is particularly liable to produce leprosy, scurvy, and various cutaneous eruptions…”
"Talaga ngang walang kakayahan ang mga BABOY para linisin ang sistema. Kaya pala marumi ang Pamahalaan ay dahil tinitirahan ito ng baboy. Tsk tsk."
3. BAWAL SA MUSLIM ANG PAGKAIN NG BABOY
Nasusulat sa Qur’an 16:115 at Qur’an 2:173 ang mga dahilan kung bakit ipinagbabawal ng ISLAM sa mga Muslim ang pagkonsumo ng baboy.
Sabi din sa napakaraming references sa Internet:
“Qur’an has prohibited the swine-flesh, hence the Muslims would not dare touch it. The Bible has also forbidden swine-flesh, but Christians disregarded this order… to practise hygiene and to attain purity of soul.”
Sa isang pinaka-simpleng pananalita, kung bakit ayaw ng Muslim sa baboy ay dahil sa prinsipyong: You are what you eat.
“The pig is naturally lazy and indulgent in sex, it is dirty, greedy and gluttonous. It dislikes sunlight and lacks the spirit and will to fight. It eats almost anything, be it human excreta or anything foul and unwholesome.”
"Hindi tayo nagkakamali. Baboy nga ang mga nakaupo sa Kongreso at Senado."
4. BAWAL SA MGA RASTAFARI ANG PAGKAIN NG BABOY
Ang mga Rastafari ay mga Jamaican, mga tipong hiphop ang porma,nagma-marijuana at mahilig sa reggae music. Sabi sa Wikipedia, ang libro din ni Leviticus ang batayan ng grupong ito sa pagkundena sa pagkain ng baboy.
"Hindi kaya nagmamarijuana ang mga baboy? sabagay alcoholic lang sila, si mikee nga nakita pang namimili ng alak nung kasagsagan ng ondoy diba?"
5. BAWAL SA JUDAISM ANG PAGKAIN NG BABOY
Gaya ng nasusulat sa Leviticus 11:7-8 at Deuteronomy 14-8, ang mga Judio ayhindi rin kumakain ng kahit anong hayop na nasa lupa kung hindi ito nagtataglay ng “kosher signs” (katumbas ng HALAL sa Islam).”
MASARAP ANG BAWAL
Marami nang pagbabawal. Iba’t ibang kultura at relihiyon na ang nagsasabing bawal, pero ayaw sumunod ng makulit na tao. Sabi nga ng sikat at klisyey na kasabihan e “O anong sarap gawin ang bawal.”
Siguro paraan ito ni God (or kung sino mang ponsyo pilatong nagsabi na gusto yan ng "GOD"), ‘yung pagbibigay ng sari-saring sakit sa baboy, para ipaalala sa mga tao na bawal nga ang pork sa katawang mortal. Ito rin malamang ang paraan ni God para ipaalam sa mga tao na may kaakibat na parusa ang pagkonsumo ng “masarap na bawal.”
PERO HINDI. Labas muna tayo sa usaping relihiyon. Magpaka-pragmatic at magpaka-praktikal na lang tayo. Ano ba ang papel ng baboy sa pulitika?
Naniniwala pa rin ako na impluwensya lang ng media ang lahat. Hindi lang ‘yan ang sakit ng baboy, madami pa. At hindi lang baboy ang may problema. Meron ding problema ang manok na kinukuto, ang ibon na may bird flu, ang baka na may mad cow, ang barangay hall na may mga ulol, ang Malakanyang na pugad ng mga gawaing iniquitous, atbp.
Kung bakit ganito tayo, at bakit ganito na lang ang takot ng mga tao sa Swine Flu ay dahil na rin sa sobrang pagse-sensationalize ng media sa mga isyu na kagaya ng H1N1 na ito. At ito naman ang sinasamantala ng mga negosyante para mag-promote ng kanilang mga produkto. Teka, lumalayo na naman ako…
AYAW KO NA NG BABOY
Bakit nga ba ayoko na ng baboy kahit dati pa?
May-kinalaman sa personal na panlasa. Hindi ‘to mahirap ipaliwanag. Masyadong makapal ang adipose tissues ng karneng baboy na s’ya namang labis na inaayawan ng taste buds ko. Kaya hangga’t may pagpipilian ay ibang luto ang hinahanap ko. Hindi rin ako kumakain ng tinusok na baboy, pinaikot sa ibabaw ng apoy, at may kagat-kagat na apple.
Ipinagbabawal ni Doc ang labis na pagkain ng baboy dahil sa dahilang may-kinalaman sa pagtaas ng cholesterol level. Hindi raw maganda ang dulot ng “animal sterol” sa presyon ng tao, sakit sa bato, at pagtaba. Hindi man sapilitang ipinagbawal ng doktor ang pagkonsumo ko ng pork, ipinapayo n’yang ‘wag sosobra sa pagkonsumo nito.
Baboy ang offensive na tawag sa mga taong pwede namang tawaging chubby, plump, o flabby. Ayoko ng salitang baboy para sa mga matataba.
"hindi ko akalaing tatamaan ako sa mga sinusulat ko, hay RJ baboy ka talaga."
Sa Senado at Kongreso, Pork ang ugat ng katiwalian at kurapsyon. Ang Pork na ito ay napagkakamalang tumutukoy sa baboy. Kaya ayoko ng bagay na may kaugnayan sa baboy.
Sa kasalanang panggagahasa, baboy ang tawag sa mga kriminal. Ayoko ng baboy dahil ayoko ng ideya ng rape (meet Romeo Jalosjos).
Kapag dugyot ang isang tao, baboy ang tawag sa kanya. Ayoko ng madumi at ayoko ng dugyot. Kaya ayoko ng bagay na may kaugnayan sa baboy (see my filthy room).
PS: Sarcasm included
Baboy ang tawag sa mga kurakot (visit the House of Representatives and the Senate).
Baboy si Jalosjos, sa mata ng tao (dahil sa figure n’ya) at sa batas ng tao (dahil manyakis s’ya)
Baboy ang asawa ni PGMA, literally and figuratively (self-explanatory).
Pero hindi baboy si Gloria, Bakit? Sa liit noon biik lang yun mga tol, BIIK!
Baboy ang itatawag sa ‘yo kapag may nakahuli sa ‘yo na nagbubukas ka ng website gamit ang tag na “Pinay Scandal.”
Baboy kaagad ang tingin sa ‘yo kapag nakita ng ibang tao na may porn site na lumabas sa web browser mo, kahit pa SPAM lang ang dahilan ng pag-pop out ng porn site na ito at hindi naman talaga intentional.
"At alam nila yun kasi baboy din sila"
Gaya ng Idol ko na si Lourd de Veyra ng Radio Active Sago Project, ayoko na rin ng baboy. Kawawang baboy.
Kung bakit sunud-sunod ang problemang dala ng baboy, ay alam ko na ang sagot: ITANONG NATIN SA MGA BABOY.
*BGM:
Habang bata pa. Sa Damuhan maghabulan, Magtampisaw sa ulan. DAHIL MINSAN LANG SILA BATA
No comments:
Post a Comment