Friday, February 27, 2009

SOngs

so many requested for the lyrics of these songs...

so here it goes

an unreleased song for a lost love

i swear
i'll run faster than you
so you wont catch me..

but if i fall
use me,
take me,
break me,
baby

coz to you i am nothing
to me you were everything
to me you were everything

Refrain:
and you bring on
more pain than
i could ever bring
and you sing the saddest song
anyone could ever sing

and its time to crush this things

Chorus:
there goes our story
the writer's a sinner
the end came too soon
she's got nothing left in her

there goes our story
the writer's a sinner
the end came too soon
she's got nothing left in her
nothing left in her

i swore
id run faster than you
so you would'nt catch me
but i fell and you broke me
baby

lately
to you i am nothing
to me you were everything
to me you were everything

and you brought on more pain
than i could ever bring
and you made me sing
the saddest song that i could
ever sing

and its time to crush this thing

there goes our story
the writer's a sinner
the end came too soon
she's got nothing left in her

there goes our story
the writer's a sinner
the end came too soon
she's got nothing left in her
nothing left in her

lets throw it on the ground
and never pick it up again

lets throw it on the ground
and never pick it up again

lets throw it on the ground
and never pick it up again

again..

never pick it up again

there goes our story
the writer's a sinner
the end came too soon
she's got nothing left in her

there goes our story
the writter's a sinner
she crushed this thing
******
our first song, about hoping for someone to love you


Walang masulat pinipilit ang sariling mag isip
kung tama ba
Ayoko man aminin 'to
pero wala naman talaga akong pagasa sa iyo

Paulit ulit sa'king isip ang iyong mga sinabing wala na,
akong magagawa
may ngiti sa iyong labi na bumubulong sa aking wag ko nang,
ipagpatuloy pa

Refrain:
pero sabi ko sa sarili ko kahit na anong sabihin mo
pipilitin ko pa rin ang gusto ko
kahit na magmukhang gago sa harap ng mga tao

Chorus:
Dahil ayoko na sanang umasa pa
pero kung yun lang ang tanging paraan
para mapasaakin ka ay gagawin wag ka lamang mapunta sa iba

hindi mapigil ang sariling maluha kapag nakikita kitang
kasa-kasama siya
kung meron man akong gustong gawin
ito ay ang lumapit at yakapin ka kahit nandyan pa siya

Bridge: hindi ko naman pinipilit ang sarili ko sa iyo
hindi ko naman hinahangad maging yakap yakap mo
ang sakin lang naman sana'y tanggapin mo ang pag-ibig kong ito
ito lang ang tanging hinihiling ko sayo

Friday, February 20, 2009

Dingding

Isang mahinang tawa ng babae ang narinig niya mula sa kabilang kuwarto. Napatigil ang lalaki sa kanyang ginagawang pagbabasa. Ilang linggo na rin siyang umuukupa sa kuwartong iyon ngunit ngayon lamang niya napansin ang bagong lipat sa kabilang silid. Madalas itong tahimik. Sa kanyang pagkakaalam, siya lamang ang umuupa sa palapag na iyon. Maaring dahil sa isturktura ng gusali, lumang-luma na at amoy amag. Ngunit maaari ng pagtiyagaan lalo na kung ganito kamura ang upa.

Nakatapos ang lalaki ng isang buong kabanata sa libro ngunit hindi na muli niya naulinigan ang boses.

Babae ang bagong lipat, sigurado niya sa sarili.

Dingding lamang ang pagitan nila. Isang mahinang istruktura na gawa sa mumurahing tisa na maaring pagtagusan ng anumang uri ng tunog. Walang pwedeng mailihim maging ang pinakamahinang bulong.

Nagtaka ang lalaki sa katahimikang naramdaman kaya’t nagpasya siyang ipagpaliban ang pagbabasa. Ibinaba ang libro saka humikab. Pinagmasdan niya ang nababakbak na pintura sa kisame. Gusto niyang tungkabin ito isa-isa. Alisin ang mga nakausling animo mapuputing balakubak sa sahig, kiskisin, at muling pakintabin. Ngunit hindi pumayag ang kanyang isip. Masisira ang nakagawian na niyang disenyo ng silid na animo’y napag-iwanan ng panahon.
Umayos siya ng upo sa kama na tila ba may kung anong bagay na paparating siyang inaasahan. Kinapa ng kanyang mga paa ang tsinelas na goma sa ilalim ng kama at saka muling inayos ang sarili.

“Hayan na siya.” Mahina niyang bulong.

Sa pangalawang pagkakataon ay naulinigan niya ang mahinang tawa ng babae. Tumayo ang lalaki at agad na idinikit ang pisngi sa dingding, di alintana ang magaspang na haplos ng nababakbak nitong pintura. Naghintay siya. Bigla uling sumaklot ang labis na katahimikan. Bigla siyang kinabahan. Tila malapit lamang ang babaeng hinahangad. Walang dingding, walang pagitan.

Bumalik ang lalaki sa pagkakaupo sa kama. Ingit lamang nito ang maririning sa buong silid. Bigla ay nanginig ang buo niyang kalamnan. May gusto siyang gawin ngunit tila napako siya sa puwesto. May kung anong bagay ang pumipigil sa kanya.

Inapuhap niya ang kaha ng sigarilyo sa lumang tukador, ang kanyang tanging sagot sa mga ganitong pagkakataon. Mula sa madilim na kuwarto ay gumuhit ang sindi ng dilaw na liwanag mula sa posporo. Agad niya itong inilapit sa sigarilyo na nakasuksok sa kanyang bibig at saka humithit.

Hindi ito miminsang nangyari sa kanya. Hindi lang sa lumang gusali gaya ng kinaroroonan niya ngayon. Kahit saan. Hindi lamang miminsan.

Limang beses siyang humithit bago nagpasyang iangat ang kanyang mukha sa kinaroroonan ng bagong dating. Kanina pa niya naramdaman ang pagpasok nito. At kanina pa siya hinihintay. Pagka-angat na pagka-angat ng mukha ay nasalubong niya ang mata ng bagong bisita.
Seryoso itong nakatunghay sa kanya. Tila masusing pinag-aaralan ang kanyang mukha, ang kanyang buong pagkatao.

Ang liwanag mula sa malamlam na buwan lamang ang nagsisilbing ilaw sa silid. Siya at ang babae na kanina lamang ay naulinigan niya sa kabilang silid.
Nag-alangan ang lalaki. Muli siyang humithit sa sigarilyo at saka matamang pinagmasdan ang kaharap.

Bagamat maputla ang itsura ng babae, walang duda sa angkin nitong kagandahan. Tila isang aparisyon. Kamukha niya si Audrey Hepburn, yun agad ang unang rumihistro sa utak niya.
Hindi niya mawari ang reaksyon ng babae, gaya niya, nakatunghay din ito sa kanya. Dati, sa isang tingin pa lamang niya ay alam na niya agad ang pinanggalingan ng mga katulad nila. Isang tingin pa lamang ay nababasa na niya ang nakaraang buhay nito. Ang nakaraan, dating estado sa buhay, ang pinagmulan, maging ang trahedya na pinagdaanan. Ngunit hindi ngayon. Nahirapan siyang basahin ang kaharap. Tila may makapal na ulap na nakaharang sa kanya. Nagsisilbing proteksyon laban sa mga katulad niya. Mahirap sisirin.

“Hindi kita gusto.” Mahina ngunit malinaw na usal ng babae. Hindi pa rin nito inaalis ang pagtitig sa lalaki.

Hindi agad nakuha ng lalaki ang binitiwang salita ng kausap. Napakunot siya ng noo.

“Maaari akong manggulo kapag hindi ka umalis dito. Marami akong pwedeng gawin. Nauna ako sayo kaya dapat na iakw ang umalis.”

Nakuha na ng lalaki ang ibig nito. Hindi na ito bago sa kanya. Sa dami ng gusali na tinirhan at nilapaatan niya, hindi iisang beses siyang napalayas. Hindi iisang beses siyang nakipagtuos.
Nagtiim ng bagang ang lalaki at tumayo mula sa kinauupuang kama. Tumalikod siya sa may bintana kung saan naroon ang buwan upang tanging ang madilim na pigura lamang niya ang makikita.

Nagbago din ng posisyon ang babae. Umupo ito sa sahig, na tila ba hindi alintana ang tama sa solidong materyales. Nilaro-laro nito ang nakatihayang ipis sa sulok. Tila naghihitay sa pasya ng lalaki.

“Hindi ako aalis dito.” Sa huli ay turan ng lalaki.

Biglang nagbago ang reaksyon ng babae. Tumayo ito at lumapit sa lalaki. Lumulutang ang magaan niyang katawan sa hangin. Akmang sasaktan ang kaharap. Ngunit sa halip na sampal ay dumapo ang malamig na hangin sa kanyang pisngi. Lamig na nagdulot ng labis na kilabot sa kanyang buong katawan. Sapol ang tiyan, napaluhod ang lalaki. Parang bigla siyang nahulog sa isang napakalalim na bangin at nauubusan siya ng hininga.

Humakbang ang babae papalayo, patungo sa tahimik at malamig na dingding. Sa gayong anyo ay alam na ng lalaki ang mangyayari.

“Muli na naman akong makikipagtunggali,” usal niya sa sarili.

Ako, Loofah at relasyon

Nung bata ako naalala ko nung pinapaliguan ako may bimpo silang ginagamit, pangkuskos. Tapos nagtagal, labakara naman kasi nakalakihan ko na yung bimpo. Pero nang tuluyang tumanda at nagkabuhok na sa iba't ibang parte ng katawan syempre ako na lang mag-isa nagpapaligo sa akin. Simula nun natuto akong mag-eksperimento sa katawan ko.

Naisip ko ayoko ng maglabakara pang kuskos. Gusto ko sabon na lang. Nakakatamad kasi. Kaya sabon lang ng sabon wala ng kuskos. Oks lang naman ang pakiramdam. Medyo may natitirang libag, pero at lis mabilis ang paligo ko. At ganun nga ang aking naging prakits. Ngunit nagbago to nung isang araw nakitira yung tito ko sa amin sandali.

Isang hapon nakita ko syang parang may hinahanap sa bakuran. Linapitan ko at tinanong kung ano ang hinahanap nya. Naghahanap daw sya ng panghilod. Isang batong magaspang. Medyo nandiri ako nung una sa sinasabi nya. E may mga tae ng aso dun tapos mga kung anu-anong bulate sa lupa tapos ikikiskis mo sa katawan mo. Sabi naman nya, pakukuluan nya naman daw muna. Makakatulong daw yun para magpantay yung kulay ng balat. At ayun, dalawa na kaming naghahanap ng mahiwagang bato.

Ngunit isang araw nung maliligo na ako, hindi ko mahanap ang aking panghilod. Hinanap ko sa buong bahay ngunit wala. Habang ako'y nagmumukmok sa isang tabi, nilapitan ako ng nanay ko. Sabi nya, "Anak, yung bato ba ang hinahanap mo?" Tumango ako ng konti. "Itinapon na ng tatay mo. Hindi daw nararapat sa katawan mo ang bato." sabi nya. Tumayo ako na para bang nagdadabog. "Anak, unawain mo ang tatay mo. Ang gusto nya lang ay ang makabubuti sa yo.

May mahahanap ka pang ibang mas tama para sa iyo." malumanay nyang sinabi sa akin. Simula nun parang may napakalaking kulang na sa buhay ko na pilit kong hinahanap.

Isang araw, napadaan kami sa isang beauty shop na pang mayaman. Di sana ako papasok dun kasi di ko naman lebel ang mga ganung shop. Ngunit ninakaw ang pansin ko ng isang napakagandang loofah na nakadisplay. Tinanong ko sa saleslady kung magkano. Sobrang mahal ng presyo. Ngunit kailangan kong makuha ito. Kaya't nangutang ako at inubos ang mga naipon ko para makuha ko ang loofahng ito. Sabi ng mga kaibigan ko hindi daw tama ito para sa kin. Pang mayaman lang daw, high maintainance. Pero di nila ko mapipigil.

At buong giliw kong ginamit ang bago kong loofah pang exfoliate sa aking balat tuwing naliligo. Nung mga unang araw masarap sya sa katawan. Ngunit nang tumagal, gumagasgas na sa balat. Binasa ko ang instrakyon manwal, at ayun. Kailangan pala mamahaling liquid soap lang ang gamitin. Wala na kong pera pambili. Tama ang mga kaibigan ko. Nang lumaon, nasira ng tuluyan ang mahal kong loofah at nagkagalos-galos ang balat ko.

Nakitira ako sandali sa bahay ng kaibigan ko. Nung maliligo na ako, napansin ko ang isang napakagandang loofah na nakasampay sa banyo. Nung una, ayokong paunlakan ang temtasyon. Ngunit hindi ko talaga napigilan at ginamit ko ang loofah. At ang sarap gamitin ng loofahng iyon. Wala na kong ibang naisip na mas tatama pa sa loofahng yun. Ngunit alam ko na ibang tao ang may-ari nun. At darating at darating ang araw na malalaman nya na ginagamit ko ang pag-aari nya. Kaya masakit man sa damdamin, itinigil ko ang paggamit sa loofah at tuluyang lumipat ng matitirhan.

Natuto akong mamuhay ng walang loofah. Mahirap nung una. Pero naging ayos naman nung tumagal. Nang isang araw, sa paborito kong tindahan, ayun ang isang loofah. Hindi kamahalan, pero hindi rin ganun ka-cheap. Nung una naisip ko parang ayaw ko na. Ayoko nang masaktan. Masaktan ang balat. Ngunit ganun talaga, eventually binili ko rin at ginamit. At sa wakas naramdaman ko na ito na talaga ang tama para sa akin. Pati ang magulang ko natuwa para sa akin. Alam nila na nahanap ko na ang loofahng para sa akin.

Isang umaga pagkatapos ng isa't kalahating taon, nang ako'y maliligo na. Pagbukas ko ng banyo. Nawawala ang loofah ko.

If you received this in your email, its just copied from me

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. Ang labo di ba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people." Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama'y malambot.)

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na "Ayoko na ma-inlove!" biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing-galing mo? Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!"

At hindi lang 'yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! "Bakit niya 'ko sinaktan?" May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto. Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa 'pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siyang nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na 'ko. Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?

Nakakaiyak.

Isa lang ako

Minsan ko nang sinubukang bilangin ang mga tala
At lakarin ang hantungan ng dalampasigang lupa

Masyadong malawak ang langit upang maglaman lamang ng iilang bituwin
At masasayang lang ang tabing-dagat sa isang butil ng buhangin

Mula sa kinatatayuan ko
Pareho lamang ang alon at ang ulapWalang pinagkaiba ang langit at lupa
Iisa lamang ang gabi
Iisa lang ang umaga

Nag-iisa lang ako.

Sa dagat, maraming hugis ang buwan
Pabago-bago ang mukha ng kalawakan
Doon nagtatago ang araw upang maghimlay
Sa gitna ng dilim at bukang-liwayway

Hindi na ako nasisilaw sa titig ng araw
O pilit naghahabol sa buntot ng bulalakaw

Dito sa kinatatayuan ko
Sa duyan ng alon at ng ulap
Sa anino ng langit at lupa
Isa lamang ang gabi
Isa lang ang umaga

Isa lang ako.

no one will believe me

No one would believe I touched the moon.

You are not one who would kiss the earth. Your life is spent dancing with the stars. And you know nothing but warmth in the cradle of the sky.

Hovering over the world
giving it light upon the night
always there yet never quite.

Long have I looked upon your face, one I never thought I would recognize. Mocked by the length of day, I would whisper lullabies to the wind, begging the world to fall asleep. So that you would return and I could once again serenade you with my gaze.

Even I was caught by surprise when finally you smiled back at me. For I am one used to the stifling solitude that is my destiny. So much that I find comfort in absolute stillness and only find my way in blinding darkness. That was how I fell in love with the night and come to know you.

And so it was that with a wicked twist of fate, or maybe it was just my strange fixation with pain, that I found myself yearning for nothing but a place in the heavens with you. It is a ridiculous impossibility only a recluse of my naive tolerance for tragedy could find absolute fascination in.

I therefore cannot blame the world, even with all my malice, for not being able to undersand. For I also can never come to terms with how they can fail to stumble in the dark because of your gentle light and never give you so much as simple acknowledgement of your presence. And I want to laugh for I was at least less occupied with my shadow to look to the reason it was cast.

No one will understand. And so it is no surprise that no one will find it less easier to believe that not only did I touch the moon but that you touched me back. And you did more than just that. You enfolded me with your passion and wooed me with poetry that would humble romance itself.

But the universe is as it would, and even Mother Nature will not find it in her heart to find me a spot in the infinite sky near you. So that the only way for us to be together is for you to leave your home in the heavens. But as much as I want to spend the rest of my waking moments with the whole of your being, I can never bear the thought of tearing you away from the sky. The world will never hear a word of it but I know you're ready to return all your light to the sun because you believe in the humility of my tiny glow. Nevertheless, we choose to stick it out where we are placed--tormentingly distant from each other.We both know that the world will blame me if you do step down to earth. And just like me, it pains you more to be the cause of that suffering than to have to wait for eternity to end just watching me from afar.

And so we wept our own goodbyes. I promise to keep singing love letters to the wind hoping the breeze of my heart will reach you. And you vow to always shower me with light enough to fill the world, knowing I'm there, awake in the slumber of our fate.

So it is that the world will end and they never would believe that everything is the way they all want it to be because of our great sacrifice. No one would ever believe because no one will ever know. They would hear my soulful songs and feel the footsteps of your light among them but they will never know that you are the notes of my melodies and I'm the reason you look upon the earth.

No one will ever believe I touched the moon.

Monday, February 16, 2009

Sabi ni LOLA

Ang sabi ng Lola lahat daw ng tao makasalanan, mapamatanda o kapapanganak na sanggol. Ang mga nakakapunta lang daw sa langit ay yong mga pinagpala ng Diyos at nagmimilagro sa lupa, samakatuwid, isang santo. Kapag hindi raw nagsisimba, nangungumpisal sa pari, hindi nagdarasal ng rosaryo, basta hindi pa nakakapatay ng tao lalo na’t katoliko’y sa purgatoryo mapupunta. Ang mga hindi naman katoliko, diretsong impyerno. Noon, naisip kong buti na lang katoliko ako.

Ang sabi ni lola, santo lang daw ang kapag namatay diretsong langit, lahat daw ng katoliko, pag namatay dadaan muna sa purgatoryo, kailangan pa kasing makaipon ng maraming dasal mula sa mga buhay para mapayagan ang isang kaluluwa na pumisan kasama ng Diyos. Naisip ko noon na kawawa naman ang mga taong kinalimutan na ng mga kamag-anak nila, matatagalan ang pasaporte nila patungong langit. Mabuti na lang marami akong kamag-anak na pwedeng manalangin sa akin.

Ang sabi ni lola, kapag namatay daw ako, sa purgatoryo ang punta ko. Ok lang daw yon dahil marami namang tao sa purgatoryo, para lang rin daw “earth”, halos walang pinagkaiba sa “lugar ng mga buhay”. Hindi nga lang daw ginto ang mga kalsada. Naisip ko na hindi kaya magkaroon ng over-population sa purgatoryo dahil andaming tao na napupunta doon, ang konti naman ng umaakyat sa langit. Ok lang daw yon, malawak naman ang purgatoryo.

Ang sabi ni lola, sa langit doon mo mararanasan ang tunay na kaligayahan. Sa impyerno naman ay walang hanggang paghihirap at kaparusahan. Doon susunugin ang kaluluwa at kakainin ng mga hindi namamatay na uod. Naisip ko lang, pwede bang sabay yon, masunog at kainin ng uod? Astig!

Patay na ang lola ko. At ako, hindi na katoliko. Hindi na ako nagsisimba, nangungumpisal sa pari, nagdarasal ng rosaryo, marami na rin akong binalak na patayin sa isipan ko, at minsan ko na ring sinubukang patayin ang sarili ko. Sabi ng lola mapupunta raw ako sa impyerno, nakakatakot no?

Masusunog ako at kakainin ng mga uod ang katawan ko ng habang buhay, tutusok-tusukin ng mga demonyo ng malaking tinidor at lalatigohin, paulit-ulit, isang habambuhay na sakit.

Punyeta!

Napagod na siguro akong matakot, mag-isip ng masama sa kahihinatnan ng kaluluwa ko. Napagod na ako sa kakaisip kung paano ako magiging santo, at kakapraktis para makagawa ng milagro. Hindi ko kayang mag-levitate o magpagaling ng tao, o kausapin ang mga hayop, o maging ermitanyo’t pumunta ng bundok at makita ang mga santo o si Mama Mary or Papa Jesus. Nahihirapan na akong magpakabuti, dahil inaabuso lang rin naman ako. Bakit ba kailangan kung ibaling ang kanan kong pisngi kapag sinampal ako sa kaliwa, pwede ko naman syang sapakin, o kaya’y paduguin ang ilong? Bakit ba kailangan kung ipagdasal ang mga namatay, e sayang lang naman sa oras yon, hindi ko naman sila kilala? Bakit ba gusto kung pumunta sa langit, kung ok naman sa purgatoryo? Ba’t ba ako takot sa impyerno?

Matapos ang isang malalim na pagiisip, isang buwan, dalawang buwan, tatlong buwan, hanggang umabot ang isang semestre ng kakaisip at kakapukpok ng ulo sa pader hanggang dumugo, nagising ako.

Eto ako ngayon, isang ateyista (atheist) at masaya.

Ang sabi ng Lola, ang mga ateyista raw satanista! Eto lang ang masasabi ko sa Lola ko, isang malaking “ASA!”

An Ode to a Broken Promise

You were always curious how it felt like to drown. There was a time that you felt death and that you can't do anything to stop the darkness that looms over your face. You've always been with your sandman, dreaming of the bloody Neverland, always dreaming. And you know that it was just an escape.

You were always afraid of that man on dark suit, afraid he might cut your throat and that blood would gush out, your red thick blood flowing and drenching your shirt. You were always afraid someone might stab you behind your back, that when you look back you'll find no one but your shadow. You saw a guy once on top of a building and seating at its railings and you insanely thought that he might just slip and fall crushed on the sidewalk right in front of you. Ever thought he might just fall on top of you?

And every time you see a person smile you'd never feel the warmth--instead you'd feel fear creeping inside you thinking that that smiling guy is a freak serial killer and that he is after you. You thought you might be on drugs, but then you're sure you're not 'cause you just checked your drug exam that morning and it says negative --- or maybe they were mistaken and you just forgot? And you asked yourself when was the last wild party you attended and you just can't remember. And you'll say Fuck!

You felt that your world was an upside down world and that everyone around you were sick, and you were the only sane guy. You felt that every single person on the road was there to hit your car so you'd drive slow and safe but eager to put the gear on its high speed the moment a psycho skids to your direction.
You felt like running, trying to shake your shadow, but the fucking thing keeps on following you and you say "shit, shit and shit!"

You felt trapped in a world that has gone haywire and you suddenly felt like you wanted to puke just like your first ride in a roller coaster.

And you felt like crying? You were so afraid of being alone and your world was just too heavy.

Someone told you that 'reality bites' and you said "Sh#t! Bite my ass! I know I'm strong for any kind of sh#t!" And you knew you were going to eat your words. You sunk in mire and you hear someone says that anyone who is really down has only one direction left--the way UP! And you wanted to punch the guy to his face thinking he would never understand that you're already drowning! You knew that there was so much pain inside you and you so much wished for it to all stop. And it was the first time you thought of death and the many ways of dying.

And you bought yourself a blade and thought of cutting your wrist --- and once you heard that doing it quick is painless, just be sure to cut the right vein and to cut deep. You looked for that blue vein you've heard, the right spot, and aimed your blade. Funny that you've waited for a grand light to stop you, maybe this time God will send one of his angels just like the ones you've heard during your bible reading classes when you were a kid--you waited and waited but there wasn't any. Your eyes were filled with tears you can hardly see. Except you knew you must and that it was too much.

...

And you did what was expected. You quit. I know you would, one day. You were alone and there was no reason to live. Pity!

Maybe one day I'll follow. Until then, and we would both wait for the world to laugh and say pity...One day they'll follow and yes, to our grave. And we will both laugh in our misery. Maybe you're right, our world is upside down and nothing is real.

How much we want to wait for that grand light and so afraid it will not come, and all we can say is shit, shit and shit!

Isang araw habang umuulan at ikaw ay lumisan

Dalawang oras ka nang nakatitig sa blankong papel. Hindi pala madaling simulan ang isang artikulong tungkol sa wakas.

Saan ka nga ba maaaring magsimula?

Sa simula? Naaalala mo pa ba ang simula? Hindi na. Gaano man kahiwaga, ang simula ay nalilimot, nawawalan ng saysay dahil sa napipintong katapusan. Makabubuti lamang ang pag-uungkat sa nakaraan kung may bukas na yayapos sa iyo upang pawiin ang pangamba. Dahil kung wala, ang tanging magagawa ng simula ay ipaalala ang simula ng wakas.

Simulan mo kaya sa dahilan? Hindi rin pwede. Ang pinanghahawakan mo lang ay ang sino, ano, saan at kailan. Sadyang mailap ang bakit; may mga bagay na habang pilit iniintindi ay lalong nagiging mahirap maunawaan. O baka naman nasa harap mo na ang sagot. Ayaw mo lang itong paniwalaan kaya't pilit mong isinasantabi ang tanong na bumabagabag sa iyo. Hindi mo masisisi ang iyong sarili. Mahirap tanggapin na ang mga katotohanang nagpasaya sa mga araw mo ay panggagago.

Kung gayon, bakit hindi mo simulan sa ulan? Sa ulang hindi mo naman hiniling at dumating sa panahong hindi mo inaasahan. Sa ulang nagpakita sa iyong maaari kang tumingala sa langit at tumayo sa gitna ng kalsada, habang nilulunod ng mga patak ng tubig ang iyong kasuotan at mga gamit.

Tama. Sa ulan. Binago ka ng ulan.

Itinuro sa iyo ng ulan na ang mga tao sa buhay mo ay darating at aalis kung kailan nila gusto. Wala kang magagawa. Hindi mo sila mapipilit na manatili. Hindi mo sila mapipigilang lumisan. Titila ang bawat ulan. Hindi nito sasabihin kung kailan, pero mararamdaman mo ang paglumanay ng hangin at ang paghawi ng mga ulap.

Ang maiiwan ay ikaw... at isang puwang.

Ang pangungulila ay hindi nag-uugat sa paglisan, kundi sa pamamaalam. Ang isang taong pinahahalagahan mo ay maaaring magpaalam nang hindi umaalis, subalit maaari rin siyang umalis nang hindi nagpapaalam. Paunti-unti. Dahan-dahan. Patuloy ang pagtakbo ng buhay sa kanya, habang sa iyo, dumarating sa bawat araw ang kapiraso ng wakas.

Minsan tuloy, naiisip mong mas maigi pang matapos na lang ang lahat sa simula. Nang sa gayon, walang pinagkatagu-tagong text message na kailangang burahin, walang mga sandaling dapat ibaon sa limot at walang puwang na palalalimin ng pangungulila.

Nakapapagod maghintay kung kailan muling mapupunan ang puwang na tanging ikaw ang nakadarama. Mas madali itong pag-ipunan ng galit at pagkamuhi.

Pero hindi mo gagawin iyon. Hahayaan mo lang na dumaloy sa iyong pisngi ang mga luha at kahuli-hulihang patak ng ulan. Alinman ang unang maubos, ikaw ay patuloy na tatayo sa gitna ng daan.

Maghihintay. Aasa.

Dahil kahit maging balewala ka na sa isang tao, mananatili siyang importante sa iyo.

Patikim ng Libro

Kapag kakain ng libro, huwag maging pihikan; tikman ang lahat ng pwedeng tikman at huwag agad aayaw.


Maaaring mapipilas na ang pabalat na natapunan ng kape at naninilaw na ang mga mapapanghing pahina, pero alalahaning hindi ang mga ito ang iyong nanamnamin kundi ang mga muni-muni ng may-akda. Huwag ding maniwala sa sabi-sabi; magkakaiba ang ating panlasa. Higit sa lahat, tandaan ang sinabi ni Anonymous: "Never judge a book by its movie."


Nasa sa iyo kung gaano mo kabilis isusubo ang mga salita, pero sana, pagtagalin ang mga ito sa bibig. Huwag kang lunok nang lunok ng mga ideya at kwento. Mahirap mabilaukan o matinik.


Dila-dilaan at nguyain nang mabuti ang mga tauhan upang mas malasahan mo ang pagkakaiba ng matamis, ng maasim at ng maanghang. Gayundin ang gawin sa mga opinyon hinggil sa isang isyu at sa mga taludtod ng tula.


Kung may oras ka, suriin kung paano niluto ng may-akda ang hawak mong libro. Usisain ang paraan ng paghahalu-halo ng mga simbolo at imahe. Huwag kang titigil hangga't hindi mo nalalaman kung bakit niya nahuli ang iyong panlasa. Dito mo matutuklasang may mga sahog na hindi lamang pandekorasyon, kundi pandagdag sa timpla at pampatakam sa iyo upang ubusin ang mga pahina.


Siyempre, maganda rin kung mararanasan mo ang mga pagkakataong tsibog ka lang nang tsibog, walang ibang iniintindi kundi ang pagguhit ng mga salita sa iyong lalamunan, hanggang sa magmakaawa ang iyong mga mata at mabusog ang iyong utak. Hindi naman kailangang seryosohin ang lahat ng bagay. Ang mahalaga, iyong nakukuha ang sustansiyang gusto mong makuha sa kinakain mong libro.


Sakali nga palang maubos na ang libro, pero nagugutom ka pa at wala ka nang pambili, matuto kang makikain. Huwag mahiya. Basta't kapag ikaw naman ang meron, magpakain ka rin. Nasa diskarte iyan kung gusto mong makarami.


Inaamin kong may mga librong masarap isuka: mga librong parte ng iyong pag-aaral o trabaho kaya't pinipilit mong sikmurain, mga librong sa ayaw at sa gusto mo eh kailangan mong harapin tuwing almusal, tanghalian at hapunan. Ganyan talaga. Ang maipapayo ko sa iyo, magpuslit ka na lang. Kumain ka ng mga paborito mong libro habang nagbabawas sa kubeta, nag-aabang ng barkada sa bookstore o naglilibang bago mag-exam. Lalong sumasarap kapag takas.


Hahanap-hanapin mo ang mga libro, kaya naman nakalulungkot ang katotohanang darating at darating ang araw na itatae mo ang mga nakain mo. Pero huwag kang mag-alala, hindi lahat ay nauuwi sa inodoro. May mga butil -- gaano man kaliit -- na manunuuot sa iyo. Mahirap malaman kung alin at saan. Magugulat ka na lang, dahil isang araw, magigising ka at iyong mapagtatanto: ang bahagi ng libro ay bahagi mo na pala.

Ano nga ba ang kasiyahan?

Kung papipiliin ka, ikaw ba ay isang mabuting tao na paminsan-minsan ay nakakagawa ng masama, o isang masamang tao na paminsan-minsan ay nakakagawa ng mabuti?

Ako? Yung pangalawa ang sagot ko. Kasi pag ang tingin ko sa sarili ko ay mabuti, malulungkot lang ako tuwing makakagawa ako ng masama. Pero pag ang tingin ko sa sarili ko ay masama, matutuwa ako tuwing makakagawa ng mabuti sa ibang tao.

At maganda yun dahil sawa na akong malungkot.

Kailangan ba talagang isaalang-alang ang ibang tao bago mo masabing dapat ka ngang maging masaya? Hindi ka ba pwedeng maging masaya, dahil lang gusto mong maging masaya?

Bakit maraming taong mahilig makialam sa kaligayahan ng iba? Malamang dahil iniisip nilang wala kang karapatang maging masaya. Pero mas malamang na wala kasing nagpapasaya sa buhay nila.

Mas napapasaya ka ba ng sarili mo? O ng ibang tao? Masama ba kung masaya ka sa buhay dahil sa mga nagawa mo para sa sarili mo, at hindi dahil sa mga nagawa mo para sa ibang tao at mga nagawa ng ibang tao para sa iyo?

Hindi siguro masama, pero malungkot. Na lalong nagpapagulo sa usapan. Isipin mo, malulungkot ka dahil ikaw lang ang nagpapasaya sa iyo?

Babalikan mo ang mga bagay na bumuo ng mga araw mo sa loob ng maraming taon. Naging masaya ka nga ba? O niloko mo lang ang sarili mo na masaya ka?

Kung kailangan mo pang kumbinsihin ang sarili mo na dapat ka ngang maging masaya, paano mo masasabing masaya ka nga?

Kaya naman sisimulan mo ang paghahanap ng kaligayahan. Ikaw ay hihiling, maghihintay, aasa at mabibigo. Paulit-ulit. Ayos lang sa iyo. Tutal, pangako mo, kapag nahanap mo na ang hinahanap mo, magiging masaya ka na 'di ba?

Ang mahirap maintindihan, bakit kapag nasa harap mo na ang isang bagay na maaaring magpasaya sa iyo, saka ka naman magtatanong, "Ano ba ang nagawa ko, bakit dumating sa buhay ko ang magandang bagay na ito?" Maiisip mong hindi ka karapat-dapat, kaya't ikaw ay lalayo at muling maghahanap.

Ano nga ba ang hinahanap mo? Hindi mo ba napapansin na may mga bagay hindi hinahanap pero kusang nagagawi sa landas mo?

Kailan mo kaya maiisip na hindi mo kailangang maging espesyal na tao para dumating ang isang magandang bagay na babago sa iyo? Para iyon sa iyo, dahil ikaw ay ikaw. Hindi na kailangan ng dahilan. Bawat isa ay nararapat lang na maging masaya.

Sa halip tuloy na masaya ka na, pinalulungkot mo ang sarili mo sa pag-iisip kung paano ka nga ba sasaya.